Toggle navigation

#kantography12,712 POSTS

Post Content
User Image dpyuson Posted: Jan 15, 2018 1:58 PM (UTC)
142
0 Normal
dpyuson 20h ago
Day 15 - Crossing this foot bridge again

Bago pa mag alas nueve ng umaga ay tinatawid ko na muli ang foot bridge na ito. Kailangan ko kasing makarating sa isang lugar sa Diliman bago pa sumapit ang alas nueve y medya! Mahalaga ang oras para sa akin. Hindi tama na mahuli ako sa oras na naka takda.

At dahil wala namang traffic at hindi pa gaano katirikan ang araw ay nakarating naman ako sa aking destinasyon bago pa ang oras na aking nabanggit. Maligaya na ako. May sapat pa nga akong oras para makapag handa.

Naging maayos naman ang buong araw. Pinilit kong hindi makakuha nang pansin. Mabuti na iyong kalmado muna. Mahirap na ang masyadong ma ingay. Mahirap na iyong maging mainit sa mga mata ng ilan. Masaya na lang muna. Relax lang. Enjoy!

#project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling
#LensOnStreets #mystiquephotos
#darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #kalyegraphy #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedph #snapseedbnw #samsungphonography #katipunan #footbridge

Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com
*************************************** dpy2018™
User Image dpyuson Posted: Jan 14, 2018 1:03 PM (UTC)
156
2 Normal
Day 14 - The right decision

Pagkatapos kong magpa photocopy nang mga requirements na aking isa-submit bukas ay nagtungo na ako sa Cubao. May mahalaga kasi akong lakad. May dapat kasi akong katagpuin. May kailangan kasi akong malaman.
.
At sa lugar kung saan naruon nga ang mga kaanak ni Salihk Tahil ay kinatagpo ko si Frakang. Naging straight to the point ang aming usapan. Walang paligoy ligoy. Isang tanong isang sagot. Hindi ko alam kung bakit nagsabi rin naman kaagad nang totoo ang aking kausap. Siguro ay yun naman ang dapat! Salamat na rin.

Nang dahil nga sa aking nalaman ay naliwanagan ako. Huwag na. Hindi dapat. Okay lang. Sayang naman din kasi. Puwede naman. May mas mainam na paraan! Naniniwala ako! At hindi rin naman ako nagkamali. In the end, I know that I made the right decision! Thank God!

#project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling
#LensOnStreets #mystiquephotos
#darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #kalyegraphy #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedph #snapseedbnw #samsungphonography #myaranetastory #silhoutte

Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com
*************************************** dpy2018™
User Image dpyuson Posted: Jan 13, 2018 12:56 PM (UTC)
148
0 Normal
Happy to be happy

Nang dahil sa pagbabago nanaman ng panahon at nang dahil narin sa napasobrang pag kain ng mga hindi dapat ay may nagaganap muling mga hindi tama. Hindi ko maiwasang mag alala pero dahil may magaganap namang isang magandang bagay sa Lunes ay nababawasan na rin ang aking pag iintindi.

Nang dahil sa pag dating ng isang kamag anak kaninang tanghali at ang pag babahagi naman ng magandang balita ng mga bagets na Mormons nitong hapon ay saglit na naantala ang ilan sa aking mga nakalinyang gawain. Hindi ko maiwasang ma stress ng bahagya. Pero dahil nga may mas masayang bagay ang malapit nang maganap, napalampas ko rin naman agad ang ngit ngit.

Nang dahil sa ikli nang kumot sa kasalukuyan, pipilitin ko munang mamaluktot. Papasaan ba at magiging maayos na rin naman ang lahat! Isang araw na lang ay may isang masayang kaganapan ang aking haharapin. Ayoko na munang mag alala. Iiwasan ko munang ma stress. Masaya na lang muna ako. And right now, I am just so happy to be happy.

#project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling
#LensOnStreets #mystiquephotos
#darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #kalyegraphy #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedph #snapseedbnw #samsungphonography #thinkpositive #stamariadellastrada

Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com
*************************************** dpy2018™
User Image dpyuson Posted: Jan 12, 2018 12:39 PM (UTC)
173
0 Normal
Day 12 - This woman with the gray umbrella

Mag sasampung taon na ang nakakalipas nang huli akong nakatuntong sa paaralan bilang isang guro. Mag sasampung taon na rin ang nakakaraang nang naipalabas ang "New Yorker in Tondo." Ang huling play na aking ginawa. Mag sasampung taon na. Mag sasampung taon na pala!

So halos magkasing tagal na pala ngayong taon ang pagiging isang guro ko dati at ang pagiging isang empleyado ko naman sa ibang larangan. Matagal na panahon na. Maraming tao na akong naka daupang palad. Maraming karakter na akong pilit na kinalimutan. Maraming aral na rin akong natutunan!

Na realize ko lang bigla ang pag lipas nang panahon ngayon because of this woman with the gray umbrella. Naalala ko kasi sa kanya ang isang dating co teacher. Ganyang ganyan kasi ang dating niya. Ganyan ang pormahan. Parating nakapayong. Parati ring may bitbit na paper bag. Paper bag na may lamang lesson plan at class record.

#project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling
#LensOnStreets #mystiquephotos
#darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #kalyegraphy #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedph #snapseedbnw #samsungphonography #umbrellaplanet #jeepney

Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com
*************************************** dpy2018™
User Image dpyuson Posted: Jan 11, 2018 2:44 PM (UTC)
205
0 Normal
Day 11 - Barbeque Stand

Naging medyo busy ulit ang araw na ito. Miski kasi kumpleto na ang aking mga requirements ay may mga ilang mahahalagang bagay pa akong kailangang ma secure para wala na akong dapat intindihin pa next week. Mabuti na yung sigurado kaysa mamroblema pa ako pagdating ng oras.

So ang una ko ngang siniguro ay may stock na ako nang aking mga gamot. Bumili na ako ng pang sampung araw. Then bumili na rin ako nang Spring Maid na Tumbler. Mura lang kasi yung brand na iyon pero matibay naman. Then kulay blue yung pinili ko kasi wala namang available na violet or green. Finally, dumaan na ako sa Barberya ni Ramil para makapagpa dos! Ayos naman ang kinalabasan.

Bago ako tuluyang umuwi nang bahay ay napadaan ako sa Barbeque Stand na ito. Madalas ay dinadaan daanan ko lang ang Ihawan na ito sapagkat una ay ayaw naman bumili diyan ang aking kapatid at pangalawa ay pinipilit ko ngang umiwas na sana sa mga kalaban. Pero dahil sa sobrang galak ko nga kanina at lahat ay nasa ayos na, hindi ko napigilang bumili nang Ihaw ihaw. Ilang stick at minsan din lang naman. Kaya puwede nang palusutin.
.
#project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling
#LensOnStreets #mystiquephotos
#darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #kalyegraphy #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedph #snapseedbnw #samsungphonography #pinoystreetfoods #onlyinthephilippines

Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com
*************************************** dpy2018™
User Image dpyuson Posted: Jan 10, 2018 12:57 PM (UTC)
215
5 Normal
Day 10 - This boy

Today is all about completing and organizing my requirements! Kaya naman maaga pa lang ay nagsimula na akong mag asikaso. Ayoko naman din kasing abutan pa nang huling minuto para lang maghabol. Hindi kasi ako buzzer beater. Mas naniniwala ako sa matagalang preparations.

Anyway, kabilang sa mga dapat kong asikasuhin ay ang Barangay Clearance. Hindi naman masyadong hassle ito sapagkat malapit lang naman din mula sa bahay ang Barangay Hall ng Marilag. Mga sampung minutong lakaran lang kung tutuusin.

Tulad nang aking inasahan ay agad din naman akong nakakuha nang clearance. After nang aking sadya sa Barangay ay nag detour muna ako sa Rose Garden para kumain. After that ay dumaan naman ako sa Our Lady of the Miraculous Medal. Marami kasi akong mga dapat ipagpasalamat. Kaya naman pagkatapos ko sa Adoration Chapel ay dumaan din ako sa Main Altar. At duon ko na nga naabutan ang batang ito.

#project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling
#LensOnStreets #mystiquephotos
#darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #kalyegraphy #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedph #snapseedbnw #samsungphonography #Tuklas_BatangPinoy #ourladyofthemiraculousmedalparish

Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com
*************************************** dpy2018™
User Image dpyuson Posted: Jan 9, 2018 1:11 PM (UTC)
204
4 Normal
Day 9 - Let's see

First time kong kumuha nang NBI Clearance sa Sattelite Station nila sa Ali Mall, Cubao. Maraming pagkakaiba kung ikukumpara ito sa sistema nuon. Mas madali kesa sa dati. Kaya lang mas matagal ang waiting time ngayon. Sa dami na rin siguro nang mga kumukuha. Ang daming tao! Ang haba ng pila. Kaya dapat mahaba ang pasensiya.

Second time kong napa iyak habang nanonood ng 2 Broke Girls sa TV kanina! Talagang hindi ko napigilan tumulo ang aking mga luha! Para akong baliw na humihikbi mag isa. Lalo na at comedy yung palabas. Naantig kasi ang aking puso sa naging takbo ng usapan namin ni The Miss Angelica. Napaka suwerte ko talaga!

Third time ko nang nai-feature ang Ali Mall sa anggulong ito sa loob nang tatlong taon. Nuong una ay halos wala pa sa kalagitnaan ang ginagawang building sa likod. Nuong nakaraang taon naman ay halos patapos na. At this year nga ay nakatindig na siya! Ano naman kaya ang magiging hitsura niya next year? Let's see.

#project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling
#LensOnStreets #mystiquephotos
#darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #kalyegraphy #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedph #snapseedbnw #samsungphonography #myalimallstories #alimall #cloudporn

Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com
*************************************** dpy2018™
User Image dpyuson Posted: Jan 8, 2018 1:57 PM (UTC)

201
4 Normal
Day 8 - To walk this way again

Nag uumapaw sa ligaya ang aking puso ngayon sapagkat halos abot kamay ko na ang aking payak na mithiin. Sa tulong kasi ng mga kaibigan ay unti unti na akong nakaka bangon. Sa patuloy na supporta na kanilang buong pusong ibinibigay ay nakaka tayo na ako muli sa aking mga paa. Mga paang may katagalan ding nabalda nang dahil sa hagupit ng malupit na buhay.

Hindi ko alam kung nararapat ba ako sa mga natatanggap kong pagmamalasakit ngayon ngunit hindi ko na makuha pang tumanggi. Kailangan ko kasi at hindi na ako nangingimi pang humingi. Lalo't higit na may mga busilak naman ang pusong hindi nag dadalawang isip na magbigay, magmalasakit, at gumabay.

Nang dahil nga sa mga tunay kong kaibigan ay nairaos at nalampasan ko na ang isang malaking balakid. Ilang hakbang na lamang ay makaka tayo na ako muli mula sa kung saan ako nadapa. Ilang araw na lamang ay mag sisimula na ang isang panibagong yugto sa aking buhay. At nang dahil na rin sa mga natanggap kong tulong ay mas marubdob ang aking pagnanais ngayon na maka abante muli. Mas matindi ang aking paghahangad na muling lakarin ang daang ito.

#project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling
#LensOnStreets #mystiquephotos
#darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #kalyegraphy #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedph #snapseedbnw #samsungphonography #uptowncenter
#footbridge

Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com
*************************************** dpy2018™
User Image dpyuson Posted: Jan 7, 2018 1:12 PM (UTC)
209
8 Normal
Day 7 - Kapag kuwalta ang naging batayan nang unawa

Tinatanong ko nanaman ang aking sarili kung bakit? May dahilan pa ba? Hanggang saan? Hanggang kailan? Baka kasi mabalewala lang naman din ang lahat. Sayang naman ang mga tulong. Sayang lang ang tiwala. Sayang lang ang lahat nang sakripisyo at paghihirap.

Kung sa katapusan din lang naman mapupunta, sana ay mauna na ang huli kaysa sa umpisa. Pilitin ko mang magtiwala nang lubos ay may alinlangan na rin ako. Parati na lang din kasi nauulit ang istorya. Walang pinag kaiba sa dati. Maraming hadlang. Maraming pagkukulang. Maraming dahilan. Dahilan kung bakit nawawala.

Oo, nakakaramdam ako muli nang matinding takot. May bumabagabag sa akin. May hindi tama. May mga bagay na alam ko na. Hindi na kailangang ipaliwanag pa. Sa totoo lang ay kaya ko namang buhatin ang bigat nang naka amba. Kaya kong harapin. Ngunit nag aalala lamang ako kung kaya rin ba nila. Baka naman kasi tulad nang dati ay kuwalta rin lang muli ang maging batayan nang unawa.

#project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling
#LensOnStreets #mystiquephotos
#darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #kalyegraphy #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedph #snapseedbnw #samsungphonography #oldman #moodswing

Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com
*************************************** dpy2018™
User Image paawerr Posted: Jan 7, 2018 7:53 AM (UTC)

13
1 Normal
User Image dpyuson Posted: Jan 6, 2018 2:49 PM (UTC)
190
2 Normal
Day 6 - There are days

May mga araw na tila nasa ayos ang lahat. Walang problema. Walang mabigat na dalahin. Walang iniisip na ano mang kalungkutan. Yung masaya lang talaga. Yung lahat parang kayang kayang lagpasan. May mga araw na punong puno ng pag asa. Sana mas madalas ang mga ganitong araw.

May mga araw din naman na tila hindi tumutugma ang ano man. Walang nagaganap na tama. Walang naaayon sa inaasahan. Yung lahat parang salungat. Yung lahat parang wala nang ka pag-a pagasa! May mga araw talaga na miski anong pilit mo ay parang ang bigat ng lahat. Sana mas dumalang ang ganitong mga araw.

Pero bandang huli, kung ano't ano pa ang maganap sa loob ng isang araw, maging maayos o mabigat man, mas madaling dalhin kung may hahawak lang sa iyong mga kamay at aalalayan ka. Yung gagabayan ka miski ano pa man ang mangyari. Yung tatanggapin ka maging ano at sino ka man.

#project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling
#LensOnStreets #mystiquephotos
#darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #kalyegraphy #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedph #snapseedbnw #samsungphonography #cloudporn #silhoutte

Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com
*************************************** dpy2018™
User Image junuary1234 Posted: Jan 6, 2018 6:23 AM (UTC)

33
1 Normal
🚗🚕🚙🚌🚎🚐
User Image arandomasianguy Posted: Jan 6, 2018 12:15 AM (UTC)

113
1 Normal
User Image dpyuson Posted: Jan 5, 2018 2:08 PM (UTC)
198
2 Normal
Day 5 - Real friends

A few days before the New Year ay naka chat ko, via Messenger, ang aking pinsan na nasa Saudi Arabia. Tinanong niya ako kung bakit hindi ako sumamang magbakasyon sa Dubai. Ibinigay ko ang aking straight to the point na dahilan at naintindihan din naman niya kaagad.

Bukod sa katanungan niya ay nagka kamustahan din kami. Nakaka manghang malaman na halos parehas pala kami nang naging kapalaran noong nakaraang taon! Tulad nang sa akin, naging very rough din ang 2017 niya. At parehas din kaming may natutunan na mahalagang aral patungkol sa pakikipagkaibigan!

So, kung tutuusin talaga, malaki parin ang aking pasasalamat sa lahat nang aking pinagdaanan last year. Nang dahil kasi sa aking naranasang pagkakasubsob ay nakilala ko rin ng lubusan kung sino sino ba talaga ang mga tunay kong kaibigan. Nakilala ko rin kung sino sino ba talaga ang mga tunay na nag mamalasakit! The best lesson about friendship that I learned last year is this: "Real friends are those who walk in and remain in your life while the rest of the world turn their back and walk out!"
.
#project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling
#LensOnStreets #mystiquephotos
#darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #kalyegraphy #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedph #snapseedbnw #samsungphonography #friends #marikinariverpark

Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com
*************************************** dpy2018™

Hashtags found on this page